Commercial - First Kwadro Alas EB
Salamat sa nagpunta
sa EB..
:)
Sa uulitin..
Thanks to Ate E. !
Alam mo kung sino
ka.. Kailangan talaga kitang pasalamatan ate..
Sa lahat po ng
pumunta sa EB .. Saludo kami sa inyo.. Kami ng mga kapwa ko alas at nga mga
kaibigan ko na sumalubong sa inyo..
Tao po kayong pumunta.. Tao din kaming humarap sa inyo..
Nagsimula at Natapos ang EB na walang nangyaring masama sa inyo..
Tulad ng pinangako
namin.
Safe kayong nakauwi..
Maraming maraming
salamat talaga..
Para sa lahat ng
hindi nakapunta .. Pasensya na po ha.. May susunod pa naman pramis..
Extra ordinaryong saya din po ang ipaparanas namin.. Hangga't kaya namin na mapasaya kayo.
Gagawin po namin..
Sa lahat naman ng
nagsabi na pupunta pero NO SHOW..
Tama na po ang
pakikipaglokohan nyo..
Di namin kailangan ng mga PASIKAT lamang..
Di kami mayaman pero
di kami puro DRAWING lang.
Sa susunod na
magsasabi kayo saken. Paki sure naman po.. Kasi expected namin kayo tapos
ginawa nyo kaming tanga..
Well, di naman kayo
kakulangan talaga..
Nagsaya kami..
Marami pumunta..
Rak en Roll !.
Para kay Leo , sabi nya na mag ingat daw yung mga pupunta sa EB dahil baka lumobo daw pag uwi.
Tangna sir..
Wag kang utak munggo.
Di lahat ng tao
katulad mo at ng barkada mo..
Marunong kaming rumespeto sa mga nag eeffort na makisama ..
Sabi ng mga kapwa
alas ko wag ka na daw pansinin kasi di ka naman talaga kapansin pansin.
Pero ibahin mo ako
dahil mayabang talaga ako..
Kung biro man yang
sinabi mo..
Nagbibiro lang din ako na WALA kang UTAK at UGALING MANYAK ka..
Di namin kailangan
manlasing para magkaroon ng kaibigan..
Biro lang yan kung
nagbibiro ka..
PHRASE for THE YEAR..
GIVE AND TAKE !
-tOyantz..
Start of Commercial..
Tahimik ang umaga..
Dahan dahang inangat
ni Eric ang baso ng mainit na kape..
Taimtim syang
nagpasalamat para sa mga biyayang natatanggap nya mula sa Maykapal.
Sarado pa ang Computer Shop.
Tulog pa rin ang
alaga nyang si Chichi sa itaas ng bahay.
Araw ng Linggo..
Dapat ay magsisimba
sya pero mukhang sa panggabing misa na lang ang pupuntahan nya dahil nakanganga
pa ang kasama nyang bubwit sa itaas..
Tahimik na binuksan ni Eric ang server..
Umaasa sya ng maraming customer sa araw na ito dahil araw nga ng linggo..
Kinonek ni Eric ang
internet at muling humigop ng kape..
Napangiti sya ng mabilis itong kumunekta.. Mukhang maganda ang koneksyon nya ngayong araw.. Di tulad ng mga nakaraang araw na matumal ang signal dahil sa ginagawang poste ng PLDT sa kanto.
Muli syang humigop ng
kape..
Napakatiwasay ng paligid ng walang anu ano ay biglang lumagabog ang pinto..
Halos maidura ni Eric
ang kape sa gulat.
"Tangna pre, Open this.. !.. " sigaw ng nasa labas..
Napakunot noo si
Eric..
Nabobosesan nya ang nasa
labas pero malabo naman..
"Sino ka ?.. " maangas
nyang tanong..
Muling lumagabog ang
pinto..
Galit nya itong
nilapitan at binuksan..
Bumungad sa kanya ang hinihingal na si Romeo..
Mabilis itong pumasok
sa loob at walang anu anong sinalya sya papasok..
Marahas na sinara ng binata ang pinto bago hinihingal na sumandal...
Nagtaka si Eric..
Parang takot ang
kaibigan nya..
Kilala nya itong siga at palaban..
Pero mukhang may
tinakbuhan ito ayon sa itsura nito..
"Pare baket ?.. Tangnang to..
Ang aga aga mong mambulahaw ah.. " pagalit nyang sabi kay Romeo..
Tila wala pa sa
sarili ang binata..
Nakatingin ito sa
kisame at nakangisi..
Hinihingal pa rin
pero unti unti ng umaayos ang paghinga..
Hanggang sa natawa si Romeo at napaupo..
"Ahahahaha.. Akala nila mahuhuli
nila ako eh.. " sabi ni Romeo..
Lalong nagtaka si
Eric..
"Hoy gago.. San ka ba galing ay pinagpapawisan ka ?.. " tanong nya..
Huminto sa pagtawa si
Romeo at kinabog ang dibdib.
"Ang bilis kong tumakbo .. Panis
yung mga aswang eh.. " sabi nya..
Nagtaka si Eric sa
sinabi ng kaibigan..
"Anong aswang ?.. " tanong
nya...
Lumigid si Romeo sa
server at walang sabi sabing ininom ang kape nya.
"Hoy !.. Gagong to !.. Magtimpla
ka sayo !.." angal nya sabay agaw sa kape..
Pero huli na.. Kalahati na agad ang laman nito..
"Sarap pare.. Adik much ako sa
kape eh.. Anyway.. Sinong may ari ng Salon dyan sa kanto nyo ?.. Papasara ko na
yan !.. " tila nagbaga ang mga mata ng kaibigan nya..
Napaisip si Eric..
"You mean yung Sariwa Salon ?..
Ano na naman ginawa sayo ng mga yon ?. " tanong nya..
Napailing si Romeo at
nagkalikot sa computer..
"Mga gagong yon.. Muntik na
akong ikulong sa Parlor nila.. Sabi ko pasuklay lang at magsisimba kami ni
Mother Earth eh.. Pero putsa. Sinara ba naman yung pinto tapos hinarangan ng
mga upuan.. Lintek.. Muntik na akong mamolestya pare !.. " nangilid na ang
mga mata ni Romeo..
Di alam ni Eric kung
matatawa o maaawa sa kaibigan..
"Hahaha.. Eh ang lalaki ng mga
katawan non.. Anong ginawa mo para makatakas ka ?.." curious nyang
tanong..
Niyakap ni Romeo ang
sarili..
Napatingin sa kawalan..
"Nuong una akala ko nagbibiro
lang sila..Ako lang tao sa salon nila bukod sa kanila.. Binigyan nila ako ng
juice.. Pero di ko ininom.. Tapos nung parang nagalit sila.. Duon na ako
nakahalata kaya sabi ko aalis na ko.. Sukat ba namang harangan ng upuan yung
pinto..Nakakatakot.. Akala ko talaga katapusan ko na.. Buti na lang may dumaang
mobile ng baranggay nyo.. Magpapagupit din ata .. Dyosko.. Babawian ko sila !..
" galit na sabi ng binata.
Pinalo pa nito ang desk kaya natapon ng konti ang kape.
"Ahaha.. Putsa.. Laspag ka sana
pare.. Ang lakas mo talaga sa bakla eh.. Kaya pala pawis na pawis ka.. "
natatawang sabi ni Eric..
Tiningnan lang sya ng
masama ni Romeo sabay muling nakalikot sa Computer..
"Makapag Facebook na nga lang..
Bisitahin ko na lang kung may UPDATE na si Toyantz.. Tagal ko na ding di
nakakabasa ng mga dekalibreng obra eh.. " sabi nya..
Agad na tumabi si Eric sa kaibigan at maging sya ay nakibasa na din..
"Huy san yan ?.. San ko ba
makikita lahat ng Stories ni Toyantz ?.. " tanong nya..
"Dito pre.. May sarili silang
PAGE ..Search mo lang sa Facebook.. Kwadro Alas.. Aztig dito pare.. masarap
tumambay.. " sabi pa ni Romeo..
Nag click ito at
tahimik na nagbasa..
"Ay shet.. Nagka EB pala..
sayang di ko nakita agad to... Punta sana kame ng tropa.. " sabi pa nya..
Napangiti si Eric..
"Daming Comments o.. Birthday
pala nya eh.. " turo ni Eric..
Tumango si Romeo..
"Right.. I know kasi magkasabay
kami eh.. December 10 din sya.. " pagyayabang ng binata.
Di makapaniwala si
Eric.. Pasimple syang nagbasa basa ng Comments sa Post ni Toyantz about sa EB
ng biglang mapakunot ang noo nya.
"Ay pota pare.. Look mo itong
isang Comment o.. Sabi nung LEO.. Ingat daw sa mga pupunta sa EB kasi baka pag
uwi, LUMOBO na daw yung TYAN.. " galit na sabi nya..
Napatingin din si
Romeo..
"Ahaha.. Ano bang aasahan mo sa
mga ganyan ?.. Natural sa dami ng LIKERS nila .. May lilitaw talaga na
INGGITERO.. Siguro naiinggit sya kasi alam nyang maraming pupunta sa PARTY..
Tapos baka iniisip nya na napakaswerte nung mga BOYS kasi nga naman maraming
CHIKAS.. Ahaha.. Katawa yan pre.. Siguro ganun gawain ng mga BARKADA nya.. BAKA
MANYAK sila.. Siguro di makakuha ng GIRLFRIEND yung UNGAS kaya NAIINGGIT sa
KWADRO ALAS.. Kailangan pa siguro nyang lasingin yung babae para lumapit sa
kanya.. Tsk tsk.. Hayaan mo na yan tol.. Masisira lang araw mo sa mga ganyang
uri ng UTAK.. Browse pa tayo.. " sabi ng binata..
Tumango si Eric..
"Sayang di tayo nakasama.. Teka
nasan si Toyantz ?.. " tanong nya..
Nag click ulit si
Romeo..
"Ayan oh.. Yung ibang nag popost
dyan na ADMIN eh yung Friends nya.. Sila yung taga UPDATE ng PAGE lalo na kapag
nag papahinga sa paggawa ng Stories si Toyantz.. alam mo naman yon.. Makupad pa
sa pagong .. Pero infairness.. Naiintindihan ko naman yung Sitwasyon nya..
Tangna.. Eh simpleng LIKER lang din naman ako eh.. Ano bang karapatan kong
saklawan ang personal nyang buhay ?.. " pangaral ng binata..
Napatango tango si Eric..
"Ah.. Sabagay.. Pero hanep ah...
Si Ace of Spades na sikat at maraming Chix .. Liker lang sa isang PAGE ?.. Ano
bang meron kay Toyantz pare ?.. Teka PASTE mo nga sa Wall ko yan para makalike
na rin ako.. " sabi nya..
Napangiti si Romeo at tumango..
"Ganun talaga.. Sino bang
tatanggi sa LIBRENG DE KALIBRE ?.. " tanong nya..
Cinopy Paste nya ang URL ng PAGE at hinanap si ERIC sa listahan ng Friends nya.. Matapos itong matagumpay na makita ay mabilis nyang Pinaste sa wall ng kaibigan para makita rin ng mga kaibigan nito ang PAGE ng KWADRO ALAS..
"Ayan ok na.. Like mo pare..
Sure ko sayong di ka mabobored dyan.. Except na lang kung wala talagang
UPDATES.. Eh marami paring EVENTS dyan.. Basta masaya.. One big Family yan eh..
" pasikat ni Romeo..
Tumango si Eric..
"Sige na... Tingnan mo kung may
UPDATE na sa Zack and Sab.. Di ba yun yung ONGOING Story nya ?.. " tanong
pa ni Eric sa kaibigan..
Tumango si Romeo..
"Oo pare.. Pero tapos na ata
yung book 1 ng Zack and Sab.. Book 2 na sya.. Pero as always.. Bitin pa rin..
Ganun naman talaga siguro ang nature ng isang bagay.. Kapag maganda , kahit
tapos na sya.. Natural na mabitin ka.. Kahit sabihin mo pang saksakan ng haba
yung story.. Kahit umabot pa yan ng 100 Chapters.. Kahit na 10 Chapters per Day
pa ang Rasyon.. Basta alam mo sa sarili mo na nagandahan ka at nag enjoy.. May
tendency talaga na mabitin ka.. Logic lang yon pre.. " pangaral nya..
"Ah ok.. Ganun pala talaga ..
Sabagay tama ka pare.. Nung natapos yung Book 1 ng KWADRO ALAS.. Hinanap ko rin
yung Book 2 kasi sobrang ganda talaga.. Nakakabitin eh.. " natatawang sabi
ni Eric..
Ngumiti si Romeo at muling nag basa basa ..
"Dito mo lang pare makikita sa
PHOTOS yung mga Stories nya.. Click mo PHOTOS then ALBUM then hanapin mo yung
ALBUM ng Story.. Easy step pare.. " sabi ni Romeo..
Tumango si Eric..
"ALam ko naman na yan pare..
Pero paano kapag CP User like nila Chichi ?.. Reader din sya eh.. Kaso
PAGEMASTER ni TOYANTZ yung nabasa nya.. Maganda din daw kaso PROLOGUE pa lang
yung nakapost.. Minsan daw kasi bitin yung mga stories kapag CP USER ka lang..
" tanong nya..
Napangiti si Romeo..
"Ah madali lang yon.. Kapag FB
Zero ang gamit mo.. Wala syang PICTURE pero buo yung STORY.. Kapag Facebook
lang through PHONE .. May picture pero putol yung Story.. Now I suggest to
bubwit na mag register sya sa FB ata yon.. Yung niloloadan para makuha nya ng
buo yung IMAGE pati na yung STORY na laman non.. Ganun kasimple.. Diskarte lang
yan pare..Di yung puro tanong na lang tayo ng tanong .. Dapat matuto tayong mag
EFFORT.. Langya.. Lagi na lang kasing nakahain yung mga STORIES sa harapan
natin.. Dapat gumagawa din tayo ng paraan para sa sarili natin.. Di naman nila
OBLIGASYON na asikasuhin pa tayo eh.. Lalo na ni Toyantz mismo.. PAGOD na nga
yung tao sa kakagawa ng STORIES na LIBRE at Di-KALIBRE.. Tapos sya pa yung
uutusan natin kapag di natin mabasa ng maayos.. Come on.. That's total bullshit
na pare.. Sobrang katamaran na yon.. " pangaral ng kaibigan..
Napakamot si Eric ..
"Tama ka pare.. Minsan ganun ako
dun sa isang site na binasahan ko ng mga stories nya.." sabi nya.
Tahimik na nag scroll
si Romeo..
"Eto pare look.. Kita mo tong
mga to ? .. " turo ng binata.
Binasa ni Eric ang
sinabi ng kaibigan..
Ilang saglit lang ay napakunot ang noo nya..
"Ano ba yan.. Di lang nakapag
UPDATE si Toyantz ng isang Chapter, nagwawala na sila agad.. Grabe.. "
naiiling na sabi nya..
"Tama ka pare.. Tao nga naman..
Sila na ang hinahainan ng LIBRE at MAGAGANDANG OBRA.. Kapag nabitin.. Sila pa
ang galit.. Marami talagang ganyang uri ng TAO pare.. YUng mga SWAPANG at PURO
KAMIG na lang ang alam.. Puro sila tanggap.. Ni hindi nila naiisip na may
sariling BUHAY yung AUTHOR.. Kung MAKAPAGDEMAND ng UPDATE parang sinuswelduhan
nila yung tao.. Minsan ganun din naman ako pare.. Aminado ako na naiinis ako
kapag wala ng UPDATE or MABAGAL .. Pero anong magagawa ko ?.. Magmumukha akong
DESPERADO kapag Gumawa ako ng hakbang na alam ko namang MAGMUMUKHA lang akong
TANGA...Ang iniisip ko na lang ay baka PINAPAGANDA ni TOYANTZ yung STORIES o
kaya ay sadyang BUSY lang sya.. " sabi ni Romeo..
Tumango si Eric..
"Tama pare.. Sabi nga ni Inay
dati.. Kapag binigay mo sa kanila ang kamay mo.. HAHATAKIN nila pati braso mo
hanggang sa TULUYAN ka na nilang MAHATAK ..
Ganyan daw talaga ang NATURE ng ibang tao.. Sila yung mga tipo na hindi
na nagiisip o ginagamit ang utak.. Kadalasan daw sila yung talagang walang mga
TALENTO.. I mean.. Pwede naman kasing mag COMMENT ng mahinahon.. Di natin
kailangang SUMIGAW o MAGWALA sa ONLINE WORLD para IPANGALANDAKAN NA NABIBITIN
TAYOOO.. !!!!.. " arte nya..
Natawa si Romeo..
"I know.. Kaya ako nga pare..
Wag kang maingay ha.. Pero kilala ko talaga ng PERSONAL si TOYANTZ.. "
bulong nya.
Nanlaki ang mga mata
ni Eric.
"WEeeee?.. Echos !.. " di
makapaniwalang tanong ng binata.
Tumango si Romeo..
"Actually.. Hinanap ko talaga
sya.. Biruin mong magkapangalan pa pala kame.. Romeo din sya.. In-add ko sya as
Friend sa FB.. Nung inaccept nya.. Nag chat kame konti.. Duon ko nalaman na
tutoong tao sya.. Halos parehas kami ng ugali. Mas pogi lang ako ng konti sa
kanya.. At kahit papaano.. Tumutulong ako sa kanya.. Tulad ng panggastos sa
kuryente o kaya pang miryenda lang nya.. Syempre naman .. Bilang kapalit ng mga
stories nya.. Dapat matuto din tayong magbalik ng pabor .. Di yung puro REKLAMO
na lang ... Wala na ngang AMBAG .. " inis na sabi ng kaibigan nya..
Napangiti si Eric.
"Ikaw ?.. Nagbibigay ng ambag kay Toyantz ?.. Sa papaanong paraan ? .. " tanong nya..
Nagkibit balikat si
Romeo..
"Di naman malaking pabor ang
ginagawa ko.. Alam ko rin na may pangaingailangan yung tao.. Uhm.. Minsan
nagpadala ako sa kanya ng 500 pesos.. Pang miryenda lang .. Nung una talaga
ayaw nya.. Kaso pinagpilitan ko na lang... Sabi ko pasasalamat lang .. Para di
sya tamarin.. Sagot nya sakin di daw sya nagpapabayad.. Sabi ko naman IPOKRITO
ka Toyantz.. Natawa sya tapos minura ako.. Haha. Friend na kami pare.. "
maangas na sabi ng binata..
Nakaramdaman ng
inggit si Eric..
"Langya.. Susuhulan mo lang pala
si Toyantz eh.. Siguro nakakabasa ka na ng mga ADVANCE chapters ng stories nya
no ? .. " tanong nya..
Umiling si Romeo.
"Matibay yang isang yan pare..
Sabi nya di porke tinanggap nya yung pera may pribilehiyo na ako sa mga
ginagawa nyang stories.. Sabi ko naman ayos lang.. Simpleng likers at readers
lang din ako.. Sadyang nagagandahan lang talaga ako sa mga gawa nya kaya kahit
paano gusto kong tumulong .. Simpleng bagay lang.. Ayaw ko din namang basahin
yung mga advance chapters.. Mas maganda yung katulad ng iba.. Nag aabang
ka..Parang nag aabang lang ako ng Chiks sa kanto.. " kibit balikat lang
ang binata..
Napaisip si Eric..
"Sige pare.. AMBAG din ako..
Paano mo ba ginawa yon ?.. Add ko din
sya as Friend.. " tanong nya.
Napangisi si Romeo.
"Choosy yang gagong Toyantz na
yan eh.. Namimili ng Friends yan.. Gusto nya Chix.. Kaya ko naging Friend yan
kasi sabi ko kilala ko yung Nanay nya.. Ayon inaccept nga ako.. UTO UTO eh..
BWAHAHA.. " tawang demonyo ang binata.
Natawa din si Eric..
"Gago ka talaga.. Eh paano nga
ako mag aambag ?.. " pangungulit nya..
"Ewan ko gago.. Add mo sya as
Friend.. Hintayin mong iaccept ka.. O kaya mag dahilan ka.. I private message
mo yung MAIN ACCOUNT nya.. Sabihin mo na kilala mo naman yung TATAY nya..
Bwahaha.. " lalong lumakas tawa ni Romeo..
Nagtawanan sila..
"Eh paano mo ba sya pinadalhan
nuon ?.. " tanong ni Eric.
Napaisip si Romeo..
"Uhm.. VIA Western UNION ata..
Tama.. Western Nga.. Try mo .. Akina 1 thousand mo.. " nilahad ni Romeo
palad nya..
Umangal si Eric..
"Gago ka.. Sabi mo 500 lang ?..
" tanong nya..
"Eh yung pamasahe ko. ?..
Bayaran mo din yung gagawin kong pabor sayo.. Sira ulo ka pala eh.. " sabi
lang ni Romeo..
Sumimangot si Eric.
"Oh tama na yan.. 600 .. 100
lang sayo.. Wala na ko pera.. Kung di lang ako talagang nabibilib kay Toyantz..
Di ako kakagat sa sinasabi mo eh.. " sabi nya..
"Kuripot ampota.. Bahala ka na
nga.. Ngapala. . Like mo yung PAGE.. Tapos kapag may UPDATE naman sa isang
STORY.. Wag mo kalimutan yung LIKES at COmments.. Share mo din kung gusto mo..
Natutuwa na siguro siya sa ganuon kasi duon nakikita ni Toyantz na marami pa
rin palang interesado sa stories nya.. Wag kang basta HIT and RUN.. wag kang
gumaya sa iba na matapos MAKINABANG.. Parang kabute na bigla na lang MAWAWALA..
MGa LINTA tawag don pare.. wag kang gumaya sa kanila.. Bago mo basahin yung
story.. Like muna .. tapos pag nabasa mo na ... Comment ka.. Ganun lang kapalit
non.. " pangaral ni Romeo..
Tumango si Eric..
Tumunog bigla ang
cellphone ni kaibigan nya..
Tumayo na si Romeo ay
nag inat..
"Nag text na si Mother Earth..
Nasan na daw ako.. Ikaw ba pare di ka sisimba ?.. Mag bawas ka naman ng
kasalanan mo gago.. " sumbat ni Romeo..
Sinuntok lamang sya
ng kaibigan sa braso..
"Kung makapagsalita ka kala mo
kung sino kang santo.. Magsisimba din ako.. Kaso natutulog pa kasama ko..
Mamayang gabi na lang kame.. " sabi nya...
Kumunot ang noo ni Romeo..
"Sino ba kasama mo ?.. "
tanong nya.
Sasagot sana si Eric
ng makarinig sila ng mga papalapit na yabag.
Sabay silang
napalingon ay namangha ng makita nila si Chichi na nakasuot lamang ng PANTY at
Malaking T-Shirt.. May yakap na unan..
Pupungas pungas pa itong bumababa ng hagdan..
Pupungas pungas pa itong bumababa ng hagdan..
Di maiwasan ng dalawa na mapalunok..
"P-pare.. S-simba na nga ako.. " bulong ni Romeo..
Dahan dahan tumango si Eric.
"S-sige pare.. S-sunod na kame..
T-tutal gising na yung prinsesa.. "
uutal utal na sagot ng binata.
Tulala silang
dalawa..
End of Commercial 1
Sa lahat ng mga
nakasulat sa itaas..
Lahat yan ay sa akin nanggaling..
Wala kayong ibang dapat na sisihin kung may pangit kayong mababasa kundi AKO lang..
Maraming maraming salamat sa lahat ng nakakaunawa kapag wala tayong UPDATES.
Sa lahat naman ng
hindi marunong UMINTINDI ..
PAKYU kayo..
Kailan mo po tatapusin ang book 3 ng kwadro alas
ReplyDeleteKailan mo po tatapusin ang book 3 ng kwadro alas
ReplyDeleteKailan mo po tatapusin ang book 3 ng kwadro alas
ReplyDelete